Unang Pagbabasa ni Utoy
Madalas magpakitang gilas ang nag-iisang anak na lalaki sa kanyang nanay, palibhasa ay alam niyang siya ang pinakapaborito sa limang magkakapatid na bunso pa mandin.
Minsan pag-uwi ni Utoy galing eskuwela kung saan grade I pa lang ito, naabutan niyang pagod na pagod ang nanay na nananahi pa ng tambak na tela. Nagmano muna ito sabay yakap sa pawisang nanay.
Sabay pagmamalaking marunong na siyang magbasa. Laking tuwa ng nanay sa sinabi ng anak. Bumaligwas sa pagkakayakap ang bata, sabay turo sa letrang nakaukit sa harapan. Isa-isang binaybay nito ang salitang “ma-ki-na!” pagyayabang ng anak.
Malakas na napahalagpak ang matanda dahil ang totoong nakaukit sa harapan ay “Singer” ang tatak ng makinang ginagamit sa pananahi ng kanyang nanay.
- Latest