Sex Break
Tuwing bagong taon, magandang pagkakataon ito para magsimula ng bagong buhay, itama ang mga nagawang mali sa nagdaang taon.
Natalakay na natin ang tungkol sa pagkakaroon paminsan-minsan ng weekend get-away para magkaroon ng bonding at time for each other at pansamantalang makalayo sa mundong inyong ginagalawan.
Na-discuss na rin natin ang tungkol sa pagbabalik sa nakaraan kung saan hindi na dapat nating piliting ibalik ang inyong excitement tulad ng bago pa lang kayong magkasintahan dahil hindi na mauulit ito. Maging adventurous sa inyong sex life upang magkaroon ng panibagong excitement. Sumubok ng bago sa inyong panlasa.
Napag-usapan din ang sex replacement kung saan porn ang pinagbabalingan ng mga lalaki at pag-aalaga naman ng mga anak ang ginagawa ng babae. Imbes maghanap ng ibang alternative sa sex, mas mabuting pag-usapan ang problema para magkaintindihan kayo.
Talakayin naman natin ngayon ang tungkol sa sex-break.
Kung nai-stress na sa pakikipag-sex, kung nananawa na, kung nagiging boring na ang inyong sexual activity, ipinapayo ang sex break.
Dumadating sa puntong nakaka-stress na ang pagse-sex, nakakasawa, boring na, routine na. Minsan ay hindi na rin prayoridad ang sex lalo na kung kapapanganak lang o nagrerekober pa sa trauma tulad ng namatayan, naaksidente, at iba pa.
Kailangan ng sex break para palipasin ang stress.
Pag-usapan muna na time-out muna kayo at kung gaano katagal ang inyong time-out. Huwag itong paabutin ng higit pa sa dalawang buwan para hindi mag-alala ang bawat isa.
Sa pamamagitan ng sex break, magkakaroon kayo ng pagkakataon na mami-miss ninyo ang isa’t isa. (SOURCE: dailymail.co.uk)
- Latest