^

Para Malibang

Malakas na Paniniwala ng mga taga-West Africa

Pang-masa

May isang bansa sa West Africa ang may kakaibang paniniwala tungkol sa mga bagay-bagay.

 Naniniwala ang mga taga-Senegal sa West Africa sa Animism. Ito ay base sa paniniwalang ang mga natural na bagay o idolo ay may mga kapangyarihan. Ang mga ultimong bato o kahoy at mga anito ay pinaniniwalaan nilang may sariling buhay at kapangyarihan na dapat ay igalang.

Marami sa mga Sene­galese, anuman ang kanilang relihiyon (Muslim, Christian mostly Roman Catholic, at indigenous beliefs) ay naniniwala rin sa supernatural forces at ‘kapangyarihan’ ng ilang tao lalo na ng mga duktor, herbalists, diviners, o marabouts (religious figures). Mataas ang paggalang nila sa mga nabanggit na tao sa lipunan dahil naniniwala silang ang mga ito ang makatutulong sa kanila kapag sila’y nanga­ngailangan.

Karaniwan ding nakikita ang mga Senegalese na nakasuot ng amulets (anting-anting) o tinatawag nilang “gris-gris” sa kanilang baywang, leeg, braso, o hita.

Ang mga tao rito ay kumukunsulta sa kanilang diviners o marabouts para sila ay protektahan sa masasamang epiritu. Sumasangguni rin sila sa mga ito para mapaganda ang kanilang financial status, maging para sa kanilang mga love life. Maging ang pagpapagaling ng mga malulubhang sakit o kaya ay ang pagsusumpa sa ibang tao ay kanilang inihihingi ng gabay sa mga marabouts.

ACIRC

ANG

ITO

KANILANG

KARANIWAN

MARAMI

MATAAS

MGA

NANINIWALA

ROMAN CATHOLIC

WEST AFRICA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with