Alam n’yo ba?
Ang buto ng tao nananatiling malakas hanggang adulthood. Pero kapag nagkakaedad 30s ay unti-unti na itong lumiliit. Sa mga kababaihan, mas lalo pa itong napapabilis ang paghina ng buto kapag inabot pa ng menopause period. Pero maraming paraan para maagapan ang panghihina ng buto.
Ang pag-inom ng gatas ay nagpapatibay ng buto ng tao dahil ang milk ay mayaman sa calcium. Ang adult na may edad 50 ay nangangailangan ng 1,000 milligrams per day. Pagtungtong ng edad 51, ang kababaihan ay dapat na 1,200 milligrams na calcium bawat araw. Ganundin kapag ang mga lalaki ay umabot na sa edad na 71 years old. Ang pag-inom ng 8-ounce na cup of milk na kahit skim, low-fat, ay naglalaman ng 300 milligrams ng calcium. Panlaban din sa nanghihinang buto ay ang maayos na diet. Kapag kumain ng tamang pagkain na napapalakas din ang buto, at mas magiging masigla sa kahit ano pang edad.
- Latest