^

Para Malibang

Magic ng Internet

Pang-masa

Sa ilang beses na pagbalik ko sa Internet shop sa araw ng Linggo, may isang mag-anak na  lagi ko ring kasabay na pumupunta sa shop.

Ang leader ng tatlong bata ay ang kanilang tatay. Salit-salitan silang mag-aama na kinakausap ang nanay nila sa abroad na nakakaagaw ng pansin sa ibang customer sa shop. Nakatutuwa lang tingnan na nagtitiyaga silang pumupunta sa shop at nakiki­pagkamustahan sa kanilang nanay kaya sa lahat ng kuwento ng mga bata alam mo na ang buhay  ng pamilya. Ang malungkot na part, kapag ang tatay na ang haharap sa asawa. Laging pera at gastusin ang usapan nila. Hindi rin maiwasan na kahit nasa Internet shop ay nag-aaway din ang mag-asawa. Tahimik lang ang  buong shop, ­ta­n­ging boses lang ng tatay ang naririnig. Pinalalabas muna ni Tatay ang mga anak at saka sasabihin ang lahat ng sentimento sa asawa. Buti na lang sa pagtatapos ng kanilang usapan, nanghihingi rin ng sorry sa asawang babae si mister. Kung wala lang sigurong tao sa shop baka nag-sex talk na ang mag-asawa sa cam to cam. Kapag pabulong ang sinasabi ni mister tiyak na naglalambing ito kay misis kahit malayo.

At least nagko-connect pa rin ang mag-anak dahil sa magic ng Internet.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BUTI

KAPAG

LAGING

NAKATUTUWA

PINALALABAS

SALIT

SHOP

TAHIMIK

TATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with