Honey/Vaseline sa Nagpuputok na Labi
Paano Gagamitin ang Honey at Vaseline?
Pahiran ng honey ang lips. Sunod na ipahid ay Vaseline. Hayaang nakababad ang lips sa honey at Vaseline sa loob ng 15 minutes. Palalambutin ng honey ang lips. Ang Vaseline naman ang pipigil para hindi matuyo ang honey. Basain ang bulak. Ito ang marahang idampi sa lips upang tanggalin ang Vaseline. Gawin ito araw-araw sa loob ng isang linggo.
Senyales na nangangailangan ng medical attention ang panunuyo ng labi:
1—Cheilosis, also called cheilitis. Ang sintomas ay pamamaga na may kasamang kirot, may crack ang kanto ng lips. Kadalasan itong nangyayari sa mga may diabetes, anemia, at immune deficiencies.
2—Actinic cheilitis, also called “farmer’s lip” or “sailor’s lip.” Ang sintomas ay madalas na panunuyo at pamumutok sa ibabang lips na may kasamang pangungulubot.
- Latest