Bagay na dapat i-Let Go sa pagtatapos ng taon
Bago tumalon sa susunod na taon, kailangan munang magsara ng pinto sa mga habits na naghahadlang kaya hindi makausad.
Hindi makapagsisimula ng bagong yugto, bagong venture, at chapter ng buhay kung mananatiling naka-stuck sa ilang bagay.
Ang pag-“let go” ng mga bagay ay isang malaking hakbang na “power” para makapagsimula muli:
Takot – Wala naman talagang handa na harapin ang mga bukas na darating. Ang maganda ay may pagkakataon para magsimula muli.
Worry – Kung gusto magtagumpay, huwag hayaang malatili sa nakaraan o mag-alala sa darating na future. Dapat ay mabuhay sa kasalukuyan. Tanggalin na ang pagiging tamang hinala. Wala pa nga ay binibigyan agad ng pressure at takot ang sarili.
Pagkukumpara – Pagsasayang lang ng oras ang ikumpara ang sarili sa iba. Kung meron man dapat ma-overcome ay ang sarili.
Self-critical – Sabi nga nila be kind to yourself. Tigilan na pagpintas sa sarili.
Perpekto Mas lalo walang nagagawa at natatapos ang taong masyadong laging gustong perfect ang buhay.
Seryoso – Oh chill chil din kapag may time. Relax i-enjoy ang buhay at huwag masyadong seryoso. Mas magaan ang buhay kapag ini-enjoy lang ang moment.
Reklamo – Sa bawat pagreklamo ng mga Isralites pinadalhan sila ng Dios ng ahas. Mas nauuna ang reklamo nila at nakalimutan ang maraming biyaya at pag-iingat sa kanilang ng Panginoon.
Positibo – Tigilan na ang pagsasabi ng “hindi ko kaya.” Try mo muna kaya, pagpalpak, eh try lang ng try hanggang sa matuto.
- Latest