^

Para Malibang

Mga bata sa Ethiopia palaging nagba-bow

Pang-masa

Ang pagbati sa bansang Ethiopia ay pormal kumpara sa ibang mga bansa sa Africa. Ang kadalasang  uri ng kanilang pagbait ay ang pakikipagkamay habang nakikipag-eye contact. Ang handshake rito ay mas “magaang” kumpara sa Western cultures. Sa mga bansang may impluwensiya kasi ng Western culture, may bigat ang kanilang pakikipagkamay.

Kung matatalik nang magkakaibigan ang nagbabatian, tatlong beses nagbebeso-beso ang mga ito.

Ang lalaki naman ang dapat maghintay kung makikipagkamay sa kanya ang isang babae. Kung hindi, ‘wag dapat niya itong pilitin. Isang uri ng pambabastos kung ipipilit ng lalaki na makipagkamay sa babae.

Hindi rin dapat minamadali ang pakikipagbatian. Dapat ay makipagkumustahan at itanong ang tungkol sa pamilya, trabaho o kaya’y kalusugan. Sa ganitong paraan, mas maa-appreciate ng taong kausap ang inyong tsikahan.

Ang “Ato”, “Woizero”, at “Woizrity” ang kadalasang tawag sa isang lalaki, babaeng may asawa, at babaeng dalaga.

Una dapat na binabati sa bansang ito ang mga matatanda. Kapag ipinakilala ka naman sa mas matanda, dapat ugaliing mag-bow. Kadalasang makikitang nagba-bow ang mga kabataan sa bansang ito.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ATO

BANSANG

DAPAT

ISANG

KADALASANG

KAPAG

MGA

WOIZERO

WOIZRITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with