Goodbye Peklat!
Narito ang natural, ligtas, at epektibong paraan upang matanggal o mabawasan ang inyong peklat, bago man ito o “matanda” nang peklat. Pumili ng oil na gagamitin:
1- Flaxseed oil. Mabibili sa health food store. Ipahid lang pagkatapos maligo at bago matulog.
2- Virgin, unrefined hempseed oil. Kagaya sa no. 1 ang instruction. Makikita ang improvement pagkaraan ng ilang linggo.
3- Ang Grapeseed extract, jojoba, at almond oil ay mas epektibo kung paghahaluin ang tatlong nabanggit at saka ipapahid.
4- Ipahid sa peklat nang dalawang beses per day ang vitamin K cream.
5- Gamiting pampahid ang olive oil, 100 percent extra virgin, 2 beses kada-araw. Mga isang linggo lang ay makikita na ang improvement.
6- Gumamit din ng honey. Mas puro, mas epektibo.
7- Imasahe ang lavender oil sa peklat. Epektibo rin sa mismong sugat para gumaling kaagad.
8- Peklat ng sugat o stretch mark: Magdikdik ng coffee beans hanggang maging pinong-pino. Ihalo ito sa kahit anong oil na nabanggit sa itaas. Imasahe ang mixture sa peklat o stretch mark ng isang minuto. Kumuha ng mainit at mamasa-masang malinis na towel. Ito ang ipangpunas sa kumalat na mixture sa balat. Gawin ito 2 beses kada araw. Sa loob ng isang linggo. Mapapansin ang magandang pagbabago.
9- Mas madalas ang pagmasahe sa peklat gamit ang mga nabanggit na oil, mas mabilis ang paggaling dahil nabubuwag mo ang fibrous tissue na nagiging sanhi ng peklat.
- Latest