^

Para Malibang

Asin at Lemon Pantanggal ng Amoy sa Mabahong Sangkalan

Pang-masa

Kaliwa’t kanan ang mga handaan ngayong Kapaskuhan. Kaya naman hindi nauubusan ng tao ang ating mga kusina.

Isa sa mga problema sa sangkalan na kahoy ang pagsipsip nito ng amoy mula sa bawang. Nakaaapekto ito hindi lang sa amoy ng iba pang hihiwain sa sangakalan kundi ma­ging sa inyong mga kamay.

Kung ang butcher block n’yo sa kusina ay nangangamoy bawang na, may madaling paraan sa paglinis at pagtanggal ng mabahong amoy nito.

Para sa pag-sanitize, hugasan lang ang sangkalan na kahot sa pinaghalong 1 kutsaritang bleach at 1 quart ng tubig. Para naman maalis ang amoy nito, buhusan lang ng sea salt at i-scrub ito gamit ang hiniwang lemon. Ang asin at lemon ang nagsisilbing deodorizer. Banlawan ng maligamgam na tubig para maalis ang asin at sobrang acid sa lemon. Ulitin lang ito kung may natitira pang amoy.

Sa pamamagitan nito, hindi na mahahawa sa amoy ang ibang pagkaing hihiwain sa sangkalan at makasisiguro pa kayong wala nang bacteria na kakapit sa inyong pagkain.

Ito po ang inyong Kumpunerong Kuya na nagsasabing, kung gusto ay maraming paraan!

ACIRC

AMOY

ANG

BANLAWAN

ISA

ITO

KAPASKUHAN

KAYA

KUMPUNERONG KUYA

NAKAAAPEKTO

ULITIN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with