Tunay na Kapayapaan Ngayong Pasko
Sa mundo na puno ng kaguluhan paano ba magkakaroon ng kapayapaan kahit na ang lahat ay nagdiriwang ng kasiyahan, pero sa kalooban ng bawat isa ay nakararamdam ng kawalan. Kahit na ang oras at pokus ay sa party, reunion, shopping dahil sa selebrasyon ng holiday seasons. Pero may puwang pa rin ng pag-alala at kalungkutan sa buhay.
Ngayong kapaskuhan ay ipinapaalala sa atin na minsan na si Hesus ay dumating bilang Counsilor, Mighty God, at Prince of Peace. Sa panahon ng kapanganakan ni Panginoong Kristo, ang mga taga-Roma ang naghahari kung saan namamayani ang conflict, slavery, krimen, kahirapan, presecution, at kawalan ng pag-asa sa mga Jews. Kaya naman ang handog ng Panginoon Hesus mula noon hanggang ngayon ay tunay na kapayapaan na makukuha sa personal na relasyon sa Panginoon at Tagapagligtas ng ating kaluluwa na nagbayad ng atin kasalanan.
Kakaiba sa kapayapaan na bigay ng mundo na nakabase sa pansamantalang kayamanang materyal at kasikatan. Samantalang ang regalo ng Dios ay walang hanggang kapayapaan na hindi para sa buong mundo, sa halip ay sa indibidwal na tao na may personal na relasyon sa Panginoon.
Kapayapaan sa gitna ng pagsubok, pasakit ng buhay, kaguluhan, kahirapan, pero may tunay na katahimikan at walang hanggang kasiyahan dahil bilang Prince of Peace ay pangako Niya kailanman ay hindi ka Niya pababayaan o iiwan.
- Latest