Penis care self-examination
Hindi natatapos sa paghuhugas at grooming ang penis care. Mahalagang i-check lagi ang inyong penis para makita agad kung may problema.
Kailangan ng P genital self-examination para matukoy kung may testicular cancer o kahit na anong sexually transmitted infections (STIs).
Puwede na ang isang beses isang buwan na pagtse-check-up ng penis.
Para ma-detect kung may testicular cancer, ipinapayong gawin ang mga sumusunod pagkatapos maligo o mag-shower.
• Eksaminin ang mga testicles.
• ‘Hawakan ang mga testicle sa pamamagitan ng hinlalaki at mga daliri at marahan itong paikot-ikutin.
• Habang ginagawa ito, obserbahan kung may makakapang bukol o nodules o kung may pagbabago sa laki at consistency ng testes.
• Alalahanin na may epididymis (tube sa upper, outer side ng bawat testicle) blood vessels atspermatic cord na makakapa. Hindi ito cancer.
Sa pamamagitan ng regular na checkup, mababantayan kung may testicular cancer o sexually transmited desease.
- Latest