Tinuring na Traidor
Dear Vanezza,
Ako po si Mane, 18 years old. Sobra po kaming close ng bestfriend ko. Higit pa po kaming magkalapit kaysa aking mga kapatid. Mayroon po kaming schoolmate na lalaki na type niya. Pero ako po ang niligawan, hindi ang friend ko. ‘Di ko naman po kasalanan kung ako ang niligawan. Napapansin ko po na lumalayo na ang bff ko sa akin. One time, tinangka kong kausapin siya at sinabihan niya po akong traydor. Ayokong masira ang friendship namin. Pero I feel na I’m beginning to fall in love with this guy dahil nasa kanya ang mga katangiang hinahanap ko sa lalaki. Ano po ang gagawin ko?
Dear Mane,
Wala ka talagang kasalanan. Sa kaso mo, dapat mong timbangin kung mas mahalaga ba ang friendship mo or your love for your suitor. Kung tatanggapin mo ang iyong suitor, at the expense of your friendship, make sure na ang nararamdaman mo ay true love. Masakit mawalan ng kaibigan but you cannot have the best of both worlds in that case. Kung talagang mahal mo yung guy, tanggapin mo siya but at the same time, tanggapin mo rin ang kaunting sakit na kaakibat nito. Wala ka namang kasalanan dahil ikaw ang unang niligawan ng guy. But then, try to win your bff back. Lilipas din ang galit niya, pero kung hindi man, hindi ka dapat makonsensiya dahil wala ka namang ginawang masama.
Sumasaiyo,
Vanezza
- Latest