Gandang-ganda sa sarili
Sobra ka ba kung makapagbigay ng importansiya sa sarili? Naghahanap ng pabor? Naiinggit sa ibang tao? Nagyayabang? Alamin ang iba pang pamantayan kung ikaw ay sobrang gandang-ganda na sa sarili na tulad ng isang narcissictic personality disorder. Narito ang ibang cheklist at tingnan kung mayroon kang ganitong pangit at masamang kapintasan:
Self-centered – Nakapokus at nag-iisip lamang tungkol para sa sarili. Hindi pinapansin ang pangangailang ng iba.
Manipulative : Ginagamitan ng emosyon para manipula ang ibang tao. Nagpi-feeling awa effect o nasasaktan kunwari para makuha ang simpatya ng karelasyon o ng pamilya. Sobrang selosa o seloso at kinokontrol ang isang relasyon.
Feedback – Nahihirapan na aminin ang pagkakamali kahit huling-huli na. Over acting naman sa natatanggap ng kritisismo.
Tampuhin – Madaling mapikon o magalit. Madalas isinisisi ang pagkakamali sa ibang tao.
Superiority – Laging ipinagdidiinan na siya ang laging tama, kahit mali at wala sa lugar. Gusto na siya ang laging mas angat at magaling sa ibang tao. Nais din na sa kanya ibigay ang pabor dahil feeling na siya ang mas deserving kumpara sa ibang indibidwal.
Admiration – Hindi lang naghahangad ng papuri. Kundi nagde-demand talaga na bigyan siya ng importansiya. Dahil bilib na bilib sa sarili kaya gusto na siya ang laging center of attraction ng atensyon. Dismayado kapag hindi siya napapansin o ‘di napapag-usapan.
Compassion – Walang puso para sa ibang tao. Manhid, walang awa, at walang pakialaman sa nararamdaman ng kapwa.
- Latest