^

Para Malibang

Tinataguan ng BF matapos mabuntis

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Tawagin n’yo na lang po akong Johjie, 18 years old at nursing student. Taga-probinsiya po kami at ako’y pinag-aaral ng mga magulang ko sa Maynila. Naging mabuting anak naman ako. Kaya lang po, nang dahil sa isang pagkakamali ay parang nawasak ang mundo ko. Nagkaroon ako ng bf. Siya ang nakauna sa akin. Pero sa pangalawang pagkakataon ay nabuntis po ako. Magdadalawang buwan na po ang aking dinadala. Bakasyon po ngayon pero nagdadahilan ako sa aking magulang na hindi ako umuuwi sa aming probinsiya. Wala po silang kaalam-alam sa kalagayan ko. May nagpapayo sa akin na ipatanggal ko ito pero natatakot po ako. Hindi na rin ako sinisipot ng bf ko. Papatayin ako ng parents ko kapag nalaman nila ito. Ano ang dapat kong gawin?

Dear Johjie,

Walang ibang makakaramay sa iyo kundi ang iyong magulang.  Maaari kang lumapit sa isang kaanak na nakatatanda para tumulong sa iyo. Naniniwala ako na bagama’t masakit para sa mga magulang mo ay mauunawaan ka nila. Huwag kang mag-alala at hindi ka nila papatayin. Sana’y magsilbing aral sa iyo at sa ibang kabataan na ang kapusukan ay madalas magbunga ng bagay na pagsisisihan kaya habang hindi pa nangyayari ay dapat nang iwasan.

Sumasaiyo,

Vanezza

 

AKO

ANG

ANO

BAKASYON

DEAR JOHJIE

DEAR VANEZZA

HUWAG

JOHJIE

KAYA

MAAARI

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with