Genetal grooming ni manoy
Sa ayaw at gusto ng mga lalaki, kasama ninyo ang inyong penis hanggang sa dulo. Sa ‘kaligayahan’ na ibinibigay nito sa inyo at maging sa iyong partner, kailangang pangalagaan ito.
Hindi lang paggamit ng condom ang kailangang gawin para pangalagaan ang penis, kailangan din ng tamang penis health care.
Narito ang tips mula sa askmen.com.
Grooming - Para sa karamihan, ang genital grooming ay karaniwang penis health care routine pero sa iba kinaiinisan nila ang paggugupit, pagti-trim, o pagse-shave ng pubic hair.
Magandang gino-groom ang penis dahil mas magiging malinis ito tingnan, nababawasan ang moisture na magiging sanhi ng pagkakaroon ng amoy, may sexually stimulating, mas magiging sensitive kapag nakikipag-sex, magmumukhang malaki ang penis.
Ang kaso nga lang ayaw gawin ito ng iba dahil naabala, napapagod, nangangawit, minsan ay masakit, nagkakaroon ng irritation.
Pero ang ibang babae ay mas ‘ginaganahan’ kapag ‘malinis’ ang mga lalaki. Ang iba, ginagamit na foreplay ang pagse-shave.
Pero dapat ninyong malaman na ang pagsi-shave at waxing ay nagiging sanhi ng irritation o folliculitis at maaring kumalat ang viral infections tulad ng herpes o molloscum contagiosum.
Base sa mga pag-aaral, ang bacterial infections gaya ng methicillin-resistant Staphylococcus aureus, ay sinasabing dahil sa paggamit ng razors lalo na kung ginagamit ng iba ang ginagamit mong razor.
Kung ayaw gumamit ng razor o magpa-wax na talagang napakasakit, gumamit ng gunting para i-trim ang pubic hair. Iwasan ang paggamit ng shaving cream o sabon pati na ang mild moisturizing aftershave lotion. Huwag gumamit ng chemical removal cream at electric razors dahil may panganib din ito. -ITUTULOY
- Latest