Island of the Undead 131
ANG buong paligid ng laban ay bumango nang husto. Dahil sa mga likido ng tanim at mga napisat na tanim.
Nangisay ang mga undead na sundalong nasa harapan.
Pero marami pa ang nasa likuran. At nakita nila ang nangyayari.
Nagsipagtakbuhan ang mga ito. Tumakas.
Nakabalik sa kampo ni Reyna Coreana.
At isinara ang gate na yari sa mga bato.
“Ano ang nangyari? Bakit bumahag ang buntot ninyo at nagtatago na kayo rito ngayon?”
“Mahal na reyna, marami ang namatay sa atin. Dahil may sandata sila. Iyung mga mababangong tanim na humilo noon sa amin. Nakamamatay. Kaya namatay ang mga naunang sundalo sa amin.”
“Ano?!”
“Nagsasabi po kami ng totoo. Kung gusto ninyong mapatunayan, pwede n’yo pong alamin.”
“Gago ka ba? At ako ang mapapahamak?”
Hinataw ni Reyna Coreana/Reyna Miley ang sundalo ng metal na pamukpok.
“Nasaan ang hari?!”
“Naiwan po siguro. Nakita ko, nataranta rin po siya.”
Lalong nagalit si Reyna Miley. “Bakit ninyo iniwan ang hari ko?”
“Hindi na po kami nakapag-isip nang mabuti, kasi nga po, nakita naming marami ang namamatay. At kami naman ay nagsimula nang mahilo sa baho ng mga sandata nilang tanim.”
“Paano ngayon’ yan? Magkukulong na lamang ba tayo rito? Habang sila ay nagsasaya dahil tumakbo kayo?”
Walang maisagot ang mga sundalo.
SINA MILEY at Lorenz at mga kasama ay nasa labas nga ng kampo ni Reyna Coreana.
“Selyado ang gate nila. Hindi natin mapapasok!”
“Handang-handa pala sila sa ganitong sitwasyon. Pero at least, natakot sila sa atin.”
“Kailan kaya lalabas ang mga ‘yan?”
“Hindi natin alam, Miley. Pero ito na ang pagkakataon natin. May magbabantay sa kanilang gate, handa ang mga sandata. Ang kalahati naman sa atin ay gagawa ng mga matitibay na balsa para masakyan natin pantawid sa dagat!”
ITUTULOY
- Latest