Island of the undead (128)
HANDANG-HANDA na ang grupo nina Miley at Lorenz para lumusob sa mga undead.
Ang mga sandatang tanim ay mga likido na o kaya nadurog at pwedeng ibato na basa sa mga kalaban.
Wala namang kaalam-alam sina Reyna Coreana/Reyna Miley na lulusubin sila at nanganganib.
Patuloy si Blizzard sa kaligayahang walang sawang binibigay sa kanya ni Reyna Miley. Tuluyan nang nakalimutan ang tunay na Miley.
“Alam mo, Blizzard … balak ko nang gawin kang hari. Iyung may korona. Iyung nakaupo sa trono habang nasa harapan natin ang aking mga sundalo. Gusto mo ‘yon, hindi ba?”
“Gustung-gusto. Sino ba ang aayaw kung ang reyna ko ay kasingganda mo?”
“Gandang totoo, hindi huhulas at matutunaw. Hindi ko na kailangan ang operasyon, ang galing ng isang doktor! Meron na kasing nagpapaganda sa akin … ang makapangyarihang hari ng kadiliman.”
Natigilan si Blizzard. “Si … Satanas?”
“Oo. Siya nga at wala nang iba. At alam mo bang sinabi niya sa akin na tuwang-tuwa siya dahil nakakuha ako ng isang mabuting tao na handa nang magpakasama dahil sa kamunduhan?”
“Sino ‘yon?” Parang tangang nagtanong si Blizzard.
“Hindi mo kilala? Hahahaha!”
“Hindi, e.”
“Ikaw, tanga! Gustung-gustong makuha ng hari ng kadiliman ang kaluluwa mo dahil mabait ka dati!”
“Bakit gusto niya ng mabait?” Hangal pa rin si Blizzard.
“Dahil nakakapagyabang siya sa Diyos kapag nakakuha siya ng isang kaluluwa na dapat sana ay nasa langit kapag namatay. Alam mo, mas may value sa hari ng kadiliman ang kaluluwang mabait at sa langit dapat ang destinasyon. Kaya ikaw ay isang precious possession kapag nabingwit ka nang tuluyan ng King of darkness.”
“Ga-gano’n?” Kinabahan pa rin si Blizzard.
Hindi pa rin handang mapasaimpiyerno.
Natunugan agad ito ni Reyna Miley. “O bakit, natatakot ka? Aba huwag, doon sa palasyo ng hari ng kadiliman, puro masasarap ang matitikman mo.
Tulad ng pagniniig natin.”
Nawala ang takot ni Blizzard. “T-talaga. Lagi tayong magniniig kapag nasa lugar tayo ng hari ng kadiliman?” Itutuloy
- Latest