Mawawalan ka ng pera ‘pag naggupit ng kuko sa araw ng Linggo
Aliw naman sa Russia. Naniniwala rin pala sila sa mga pamahiin. Narito ang pang-araw-araw na pamahiin ng mga tao sa Russia.
Lunes – Alam ng mga Russian na isang “difficult day” ang Lunes. Kaya naman naniniwala sila na hindi ka dapat magsimula ng isang importanteng gawain o mag-travel sa araw na ito.
Martes – Ito naman ang araw na pinaniniwalaan nilang suwerte sa pagta-travel o kaya’y paggawa ng major changes sa buhay mo. Tuwing Martes lang ng gabi ang pinakaiingatan nila lalo na kung mangungutang ka.
Miyerkules – Malas naman ang paglipat ng tirahan o ibang lugar sa araw na ito.
Huwebes – Ito naman ang pinakamagaang na araw sa kanila. Maaari mong gawin ang lahat ng gusto mo sa araw na ito. Mas maigi pa nga kung maaga kang magigising at maghihilamos at maglinis para mas masiguro ang good health at good luck.
Biyernes – Araw daw ito ng pahinga. Kung naisin man ang maglinis ng bahay, dapat daw itong gawin pagdating na ng tanghali.
Sabado – Kapag may sinimulan ka na gawain ng Sabado, tuwing Sabado mo lang ito gagawin.
Linggo – Bawal ang maggupit ng kuko sa araw ng Linggo. Kundi, mawawalan ka raw ng pera at lulungkot ang iyong buhay!
- Latest