Mahilig mapag-isa, swak na swak sa Switzerland
Isa sa mga masarap bisitahing bansa ang Switzerland dahil sa magagalang at marespeto ang mga tao rito. Kung isa kang pribado at tahimik na tao ay siguradong gugustuhin mo nang manirahan dito.
Respeto sa privacy at buhay ng iba ang siyang sinusunod ng mga tao sa Switzerland. Sa mga pampublikong lugar tulad ng tren, hindi normal ang makipag-usap sa mga ‘di kakilala. Kumbaga mind your own business ang drama nila. Hindi mo naman ito masasabing pagiging suplado dahil ito ay kanilang pagbibigay respeto sa ibang tao.
Sa mga maliliit na tindahan naman, malaki rin ang respeto at paggalang ng bawat isa. Kung makailang beses kasing nagpapasalamat ang mga kliyente at nagtitinda sa kanilang transaksyon. Sinserong pasasalamat din ang kanilang ipinaaabot.
Ang bansang Switzerland ay nahahati sa apat na linguistic regions - German-speaking, French-speaking, Italian-speaking, at Romansh-speaking. At dahil dito, sa mga German-speaking region ay mas madalas ang paggamit ng mga titulo sa tao depende sa kanyang antas sa lipunan. Samantalang ang mga French-speaking region naman ay mas madalas ang paghalik kaysa sa pakikipagkamay.
- Latest