Magnegosyo at yumaman
Marami ang uuwing Overseas Filipino Workers ngayong kapaskuhan, madalas nag-iisip na rin ang ating mga kababayan nang itatayong negosyo. Kaysa nga naman magastos pa kung saan-saan, mas magandang ipuhunan na ito sa business.
Ang payo ng mga experts, wise decision ang pagpasok sa isang negosyo dahil lahat nang pumapasok sa business ay yumayaman o umaangat ang buhay kumpara sa mga taong namamasukan. Mas malaki kasi ang kinikita sa pagnenegosyo, kaysa sa umaasa sa buwanang sahod.
Malaki man ang risk factor, pero marami ka pa ring matutunan para makabawi. Kaya dapat masimulan agad ang iniisip na negosyo na pumalpak man, makaiisip pa rin ng solusyon para mapaganda ang pinaplanong business. Malaki rin kasi ang advantage na habang malakas at bata pa ay magandang magnegosyo agad, mas malaki rin ang pagkakataon na makababawi kung mabigo ka man sa mga prosesong madadaanan ng business venture. Kumpara sa taong may edad na, na nagnenegosyo dahil maraming stress, problema, at health issue rin na kahaharapin ng nagbi-business.
- Latest