^

Para Malibang

#Kutis ni Buntis

Pang-masa

Ang pangkaraniwang skin problems ng mga buntis ay nangingitim na mata, nangingitim na kilikili, nanunuyong balat, at stretch mark. Paano pangangalagaan ni Mommy ang kanyang kutis habang pinoprotektahan niya ang fetus sa kanyang sinapupunan laban sa chemical ingredients na taglay ng mga gamot na “pampaputi”? Puwede nilang subukan ang mga sumusunod na “natural remedies”.

Nangingitim na Kilikili: Piliin alinman sa katas ng pipino, kamatis, o lemon ang nais gamitin. Haluan ito ng gatas, fresh, or evaporated. One is to one ang ratio. Kung ang katas ay isang kutsara, ganoon din ang sukat sa gatas. Ang mixture ang ipahid sa nangingitim na area. Hayaang nakababad ng ilang minuto saka banlawan. Mas matagal, mas mainam.

Dark Circle sa Mata: Gamitin ang kaparehong mixture para sa nangingitim na kilikili. Ipahid sa paligid ng mata gamit ang malinis na daliri or cotton buds.

Stretch Marks: 1-Aloe Vera. Hiwain. Ang gel mula sa pulp ang ipahid sa affected area. Pagkaraan ng 20 minutes, banlawan ng malamig na tubig.

2-Sesame oil. Ito ang imasahe sa affected area bago maligo. Ito rin ang ipahid sa nipples para hindi mag-crack.

Dry skin: Durugin ang saging. Kahit anong klase, basta hinog. Ihalo ang isang kutsaritang honey at 2 Kutsarang plain yogurt. Haluin hanggang maging ‘paste’. Iaplay sa mukha at leeg. Maghintay ng 20 minutes saka banlawan.

Sa kabila ng paggamit ng mga natural ingre­dients, mas mainam pa rin na magtanong sa inyong gynecologist dahil kung minsan ay nagiging masyadong sensitive ang balat ng isang buntis.

ACIRC

ALOE VERA

ANG

DARK CIRCLE

DURUGIN

GAMITIN

HALUAN

HALUIN

ITO

STRETCH MARKS

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with