Fengshui Tips sa Pagbibihis at Pag-aayos
1. Iwasang magsuot ng sirang damit kahit pa ito ay pambahay lang. Lalo na kung ang butas ay bandang bulsa. Umaakit ito ng paghihirap.
2. Masuwerte ang damit na pinatuyo sa sikat ng araw. Ang sikat ng araw ay nang-aakit ng good energy. Mas maganda kung nasa labas ng bahay ang sampayan ng labadang damit para direktang nabibilad ito sa sikat ng araw.
3. Kahit pupunta lang sa palengke, sikaping magbihis nang maayos. Ang bihis na maayos ay umaakit ng good energy at ang good energy ay umaakit ng suwerte.
4. Nakakadagdag ng suwerte ang pagsusuot ng accessories na pampasuwerte.
5. Sa mga Chinese, ang mukhang nang-aakit ng suwerte ay pisnging mabintog, small but full lips, well-shaped eyebrows, at matang tama lang ang distansiya sa isa’t isa. May mata kasing kapag tinitigan mo ay sobrang malapit o malayo sa isa’t isa. Magagawa mong maging ideal ang hitsura ng iyong mukha sa pamamagitan ng paggamit ng make-up.
- Latest