Phobia na panira ng love life
Ang salitang phobia ay masidhing takot o hindi maipaliwanag na pinangingilagan ang isang bagay.
Ibig sabihin ay malaki ang tsansang magkaroon ng panic attack kapag nararanasan mo ang mga phobia na iniiwasan. May ibang tao na mayroong kakaiba ring phobia na puwedeng magdulot ng seryosong epekto sa ibang tao, lalo na sa iyong partner sa buhay.
Philemaphobia – Takot sa halikan, hindi naman dahil sa ayaw niyang mahawaan ng germs mula sa ibang bibig. Puwede ring umiiwas siya sa bad breath sa magiging kahalikan niya.
Genephobia – Takot sa pakikipagtalik, ito ay puwedeng physically o psychological na may matinding takot na magkaroon ng intercourse o makipag-sex sa kanyang partner. Hindi dahil sa ayaw niya sa sex, kundi may malalamin siyang naging masamang karanasan na puwede siyang na-rape o na-molestiya minsan.
Ithyphallophobia – Natatakot makakita o maisip ang naninigas na ari o erection ng isang lalaki. Umiiwas ito magkaroon ng sex life o mga bagay na kinalaman sa pakikipagtalik. Karaniwan ang ganitong phobia ay may bad experience rin sa male penis minsan sa kanilang buhay.
Sarmassophobia – Malaxophobia rin ang tawag dito na takot sa foreplay o love play. Maaaring nakakondisyon ang isip ng isang tao sa ganitong takot dahil alam niyang posibleng mauwi ito sa pagbubuntis o ma-rape. Puwede ring naituturo sa kanya na ang sex ay bad o masama, na sinasabi ng mga magulang na gustong maging pari o pastor ang kanilang anak.
Nagagamot ang mga nasabing phobia, kinakailangan lang ng tulong mula sa professional psychiatrist para ma-address ang problema.
- Latest