No Bio, No Boto
Hanggang sa Oktubre 31, 2015, Sabado na lang maaaring magparehistro o magpa-biometrics. Maaari pumunta sa mga lokal na tanggapan ng Commission on Elections (COMELEC) o Office of the Election Officer (OEO). Mayroong lokal na COMELEC o OEO sa bawat distrito, lungsod, o munisipalidad. Kadalasang matatagpuan ang mga ito malapit sa munisipyo. Para sa mga pangunahing lungsod, bukas ang mga tanggapan mula 8:00 n.u. – 5:00 n.h. Magdala ng dalawang valid (2) IDs kung saan nakasaad ang iyong litrato, tirahan, at pangalan. Meron na ring satellite ang COMELEC sa mga malls.
Pagdating sa COMELEC/OEO - Beberipikahin ang iyong pagkakakilanlan at tirahan gamit ang iyong ID; Beberipikahin ang lagay ng iyong pagrerehistro; Sagutan ang application form. Tiyaking tatlong kopya ang sinagutan mo. Maaari mo nang sagutan ito bago online o i-download ang form bago ka magparehistro para mapabilis ang proseso; Kukunin ang iyong biometrics (litrato, fingerprint, lagda); Bibigyan ka ng Acknowledgment Receipt pagkatapos.
Hindi ka maaaring magrehistro kung ikaw ay: Nakulong nang hindi bababa sa isang taon, at nakalaya hindi dahil sa plenary pardon o amnestiya; Nagkasala ng kasong rebelyon, insureksiyon, paglabag ng batas ukol sa armas, o kahit anong krimen laban sa seguridad ng bansa; Wala sa tamang pag-iisip o walang sapat na kakayahan, ayon sa paghuhusga ng kinauukulang awtoridad (makapagrerehistro lamang kung ideklara ng awtoridad na malaya na sa nasabing kalagayan).
Hindi na kailangang magdala ng ID sa araw ng eleksyon. Pero maaari itong dalhin, o iba pang valid ID sa araw ng halalan. Makakakuha lang ng Voter’s Id kung ikaw ay nagparehistro at siguruhing nakuhaan ka ng biometrics para may Voter’s ID. Inaabot ng mahigit anim na buwan bago makuha ang Voter’s ID. Libre at kukunin lang kung saan ka nagparehistro. Tandaan ang paalala ng COMELEC na no bio, no boto.
- Latest