Multitasking hindi epektibo sa trabaho
Problema na ng isang empleyado ang tambak na trabaho na araw-araw niyang kinakaharap. Minsan ay sabay-sabay pa ang pagdating nito kaya hindi na alam kung ano ang uunahin.
Pero kung inaakala mong mas mapabibilis at mapadadali ang trabaho sa pagmu-multitasking, ay nagkakamali ka.
Ayon kay Clifford Nass, isang psychology professor sa Stanford University, mas maraming oras ang kinakain kaysa matitipid sa multitasking. Kung sabay-sabay mo nga naman gagawin ang mga trabaho ay hindi ka agad makakatapos ng isa. Mas nakababawas din daw ito ng concentration at pagiging creative sa trabaho. Sa palipat-lipat naman kasi ng trabahong gagawin, ay maaari ka pang malito na nagiging sanhi ng pagkakamali.
Kaya mas maigi kung magku-concentrate ka muna sa isang gawain para mas mapabuti pa ito bago gawin ang susunod na trabaho. Gumawa rin ng checklist o priority list kung ano ang dapat unahin para maging maayos ang trabaho.
- Latest