^

Para Malibang

Pepino magandang source ng tubig

Pang-masa

Para mag-function ng maayos ang ating katawan, kailangan na­ting uminom ng hindi bababa sa dalawang litro ng tubig (o li­quid) kada araw. Kaya nga nakararamdam tayo ng pagkahapo kapag kulang tayo ng tubig sa katawan.

Animnapung pors­yento ng timbang ng isang tao ay tubig. Pero ang panga­ngailangan sa katawan ay dumedepende sa kinakain ng isang tao, temperatura ng tinitirhan nito, antas ng pamumuhay, at marami pang iba.

Ang prutas at gulay ­ay hindi lang mapagkukunan ng sustansya, kundi isang magandang source rin ng tubig. ‘Pag ang prutas at gulay ay kinain, nakukuha ng ating katawan ang tubig na nagmumula rito.

Ang gulay na may pinakamagandang source ng tubig ay pepino. Nagtataglay kasi ito ng 96% na tubig. Samantalang sa prutas naman, ang pakwan ang may pinakamataas na water percentage. Ito’y nagtataglay ng 92% na tubig.

Kaya nga totoo ang kasabihang kumain ka ng pakwan kapag tag-init at siguradong mapapawi hindi lang ang init ng katawan kundi maging ang pagka-uhaw.

Ang pepino naman ay sinasabing panlinis ng bituka at kinakain ng mga nagdidiyeta. Totoo rin naman ito dahil nga sa water content ng nasabing gulay.

Kaya sa susunod, kumain ng pepino at pakwan kapag ramdam n’yong hapo kayo at mabalis kayong mare-rehydrate tulad ng pag-inom ng tubig. Burp!

ACIRC

ANG

ANIMNAPUNG

ITO

KAYA

NAGTATAGLAY

PAG

PERO

SAMANTALANG

TOTOO

TUBIG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with