Naghahabol ng suporta
Dear Vanezza,
Tawagin mo na lang akong Viki, single mother at may 2-year old daughter sa boyfriend ko na iniwan ako ng ako’y mabuntis. Talagang huli na ang pagsisisi. Noon ay ipinangako ko na babalikatin kong mag-isa ang pagpapalaki sa bata at hindi ako hihingi ng suporta sa ex ko. Pero nararamdaman kong hindi ko na ito kaya. Hindi naman kalakihan ang sahod ko sa trabaho at kahit nakatira kaming mag-ina sa magulang ko, hindi naman sila ganoon kaluwag. Sinibukan kong lumapit sa ex ko pero tinanggihan niya ako. Noon pa man ay ayaw niyang kilalanin ang aking anak dahil ng magka-break kami ay nagka-bf ako pero naghiwalay din kami agad at saka kami nagbalikan. Patunayan ko raw na siya ang ama, bakasakali pang kilalanin niya ang bata. Puwede ko ba siyang idemanda para makahingi ng suporta?
Dear Viki,
Bilang ama, talagang obligasyon niyang suportahan ang kanyang anak sa iyo. Maaring nagdadahilan lang ang ex mo para makaiwas sa responsibilidad sa bata. Ang mga lalaking tulad niya ay walang kuwenta. Kung gusto mo, may DNA test para mapatunayang siya ang ama ng iyong anak. Pero gagastos ka ng malaki. Subukan mo muna siyang kausapin nang maayos at baka makumbinsi siya. Kung hindi, saka ka na gumawa ng legal option. Sa parteng yan, ang dapat mong hingan ng payo ay isang abogado.
Sumasaiyo,
Vanezza
- Latest