Gustong tulungan ang ex-GF sa umbagerong mister
Dear Vanezza,
Ako si Antoni, 35 years old at binata pa rin. Nagkaroon ako ng girlfriend five years ago at tumagal lang ang relasyon namin ng dalawang taon. Akala ko kami na pero hindi pala. Bigla siyang nakipag-break sa akin at nalaman ko na lang na siya ay buntis. Ni-rape siya ng isa niyang kaibigan at ang gusto ng mga magulang niya ay kung saan siya nadapa ay doon siya bumangon. Sa madaling salita, nagpakasal siya sa lalaking gumahasa sa kanya. Malapit lang ang bahay nila sa amin at nakikita kong nagdurusa ang babaeng minahal ko. Minsan ay nakita ko siya na may pasa sa mukha. Ginugulpi siya ng kanyang asawa. Nang kausapin ko, mabilis siyang umalis at ang sabi’y seloso ang kanyang asawa. Dapat ba akong manghimasok sa kanilang buhay dahil sinasaktan siya ng lalaki? Naaawa kasi ako sa kanya. Ano ang gagawin ko?
Dear Antoni,
Huwag kang makialam dahil pribadong problema nila ‘yan. Kung nasasaktan ka man, wala ka nang magagawa. Kung gustong magreklamo ng dati mong gf, siya ang dapat magsampa ng demanda laban sa umbagero niyang mister. Oo nga’t may pinagsamahan kayo pero iba na ang kalagayan niya ngayon. Marahil ang magagawa mo lang ay pagpayuhan siyang gumawa ng legal aciton laban sa kanyang asawa pero hindi mo siya maaaring piliting gawin ito.
Sumasaiyo,
Vanezza
- Latest