Tamang pagkikilay
Maraming kababaihan na mas aware na ngayon sa kanilang hitsura, nariyan si Ateng alaga sa rebond ang buhok at nandiyan naman si Tita na laging bitbit ang pulang lipstick saan man magpunta.
Pero ang kapansin-pansin sa mga babae ngayon ay ang ayos ng kanilang mga kilay.
Madalas ako nakakakita ng mga babae na sobra kung maglagay ng kolorete/browpencils sa kilay kaya nagmumukhang coloring book ang face nila.
Meron din namang napakanipis na kilay o kung tawagin ay “one line” lang at hindi rin ito maganda tingnan. Iilan lang talaga ang nakikita kong maayos ang mga kilay.
Para ma-achieve ang kilay na malinis at natural, kailangan ng mga sumusunod: browpencils na lighter sa kulay ng inyong buhok, pangsuklay ng kilay, at gel (optional).
Dahan-dahan drowingan ang kilay na inahit gamit ang browpencil, sundin lamang ang hugis ng inyong kilay para magmukha itong natural at dapat magaan lang ang kamay para hindi magkamali, pagkatapos ay suklayin ito ng kaunti upang mag-blend ang makeup sa buhok at balat. Gumamit ng kaunting gel, i-apply ito gamit ang applicator o cotton buds para tumagal ng buong araw ang make-up kahit hindi na mag-retouch.
- Latest