^

Para Malibang

Ipinagpalit ng asawa sa GRO

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Almost 20 years na kaming kasal ng mister ko at nangako kami noon sa isa’t isa na walang iwanan. Pero ngayong mga teenager na ang dalawa naming anak, nanlamig na ang aming pagsasama. Pinili niyang pakisamahan ang kanyang kerida. Naging mabait at maunawain akong asawa at ina ng aming mga anak, pero ipinagpalit niya ako sa isang GRO. Gusto ko po manatili ang respeto ko sa aking sarili kaya hindi na ako naghabol. Sakaling magsawa siya sa kerida niya, wala na siyang mababalikang pamilya dahil pinetisyon na kaming mag-iina ng aking mga magulang na nasa Canada. May nanliligaw po sa akin ngayon pero nadala na kasi ako kaya wala ito sa aking prayoridad. - Michelle

Dear Michelle,

Hindi mo nabanggit kung nagharap ka ng legal separation sa ginawa mong pakikipaghiwalay sa asawa mo. Gayunman, ang mahalaga ngayon ay naipakita mo na hindi mo pinabayaan ang iyong mga anak at napanatili mo ang iyong dignidad sa kabila ng masakit na karanasang idinulot ng asawa mo.

Mapalad ka sa pagkakaroon ng maunawaing pamilya na nakaalalay sa inyo. Kung makakatagpo ka ng lalaking magmamahal sa iyo at mamahalin mo rin, hindi mo dapat pagkaitan ang sarili na muling lumigaya.

Nawa’y matamo mo ang kaligayahan at katiwasayan para sa inyong mag-iina.

Sumasaiyo,

Vanezza

ANG

DEAR MICHELLE

DEAR VANEZZA

GAYUNMAN

MAPALAD

MICHELLE

NAWA

PERO

PINILI

SAKALING

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with