Alam n’yo ba?
Si Alexander III na mas kilala bilang Alexander the Great ay hari mula sa Ancient Greek kingdom ng Macedon at member ng Argead dynasty na kilalang ancient Greek royal house. Sa edad na bente anyos ay naging hari si Alexander the Great, nang mamatay ang ama nitong si Philip II. Minana ni Alexander the Great ang trono ng ama na may malakas na kingdom at experienced army.
Sa kabataan ni Alexander the Great, mismong ang philosopher na si Aristotle ang nag-tutor sa kanya hanggang sa edad nitong 16. Isinama ang pangalan ni Alexander bilang isa sa mga classical heroes na ala-Achilles. Ginagawang sukatan ng mga leaders ang tagumpay ni Alexander pagdating sa kanyang military tactics. Itinuturing din siyang world’s most influential people of all time, kasama na ang guro nitong si Aristotle. Sa India ang pinakamahirap na pakikipaglaban ni Alexander sa kanyang fighting career.
- Latest