Positibo ka bang mag-isip?
Ang positibong pananaw ay nag-uudyok sa ating lahat na ang mga mahirap at pangit na bagay ay pansamantala lamang at naghahangad ka na may maganda pa ring mangyayari. Paano ba maging optimistic na tao?:
Solusyon – Imbes na magpokus ka sa problema na nagbibigay lang sa iyo ng negatibong vibes at stress, maghanap ka ng solusyon sa iyong problema. Ibaling ang isipan sa posibleng sagot na magagawa mo sa iyong problema. Sa ganitong pag-iisip nagkakaroon ka ng pag-asa at linaw sa iyong mga pag-aalala.
Sitwasyon – Yakapin mo ang positive thinking at gawin itong bahagi ng iyong buhay. Mas madaling harapin ang sitwasyon kung ikaw ay may positibong pananaw at simulan mo ito sa maliliit na hakbang papunta sa gino-goal mo sa buhay.
Reward – I-treat ang sarili kapag nakakatapos ka ng iyong task. Ang simpleng pagkain mo ng icea cream pagkatapos ng iyong exam ay isang gestures ng pagiging optimistic kang tao.
Hapiness – Ang sukatan ng pagiging optimistic sa iyong buhay ay kung ikaw ay matutong maging masaya sa kalooban ng iyong puso. Wala nang makakapantay pa sa pagkakaroon ng masaya at payapang puso.
- Latest