^

Para Malibang

Busog na pala... pero ‘di nahahalata

ABH - Pang-masa

Mga 20 minuto ang ipaghihintay ng utak bago makarating ang signal ng tiyan na puno na ito or busog na. Pero minsan sa sobrang katakawan, hindi na mapakiramdaman ng isang tao kung busog na siya. May dalawang palatandaan na dapat ka nang tumayo at tapusin na ang paglamon/paglapang/pagtsitsa?

1-Tumatabang na ang lasa ng iyong kinakain. Paano nangyari ito samantalang kanina ay sarap na sarap ka pero nang magtagal ay parang hindi na ito malasa? Habang nginunguya mo ang pagkain, ang chemicals ng laway ay naghahatid ng signal sa utak para mag-react ang tiyan na ihanda ang stomach lining sa pagsalo ng pagkain. At the same time, para maglabas ito ng digestive juice para pantunaw.

Kung sobra na ang pagkain sa loob ng tiyan, makakarating ito sa utak. Kukunekta ang utak sa taste buds kaya hihinto ito sa pagtatrabaho, ang resulta ay paghina ng panlasa.

2-Sobrang bigat ng tiyan kapag tumayo. Nakaupo tayo kapag kumakain kaya mahirap mapakiramdaman kung may “bigat” sa tiyan. Nagkakaroon ng “bigat” sa tiyan dahil ang lining ng tiyan ay sobra nang nahihigit dahil sa rami ng pagkain. Testingin kung busog ka sa pamamagitan ng pagtayo kahit hindi ka pa tapos kumain. Uminom ng tubig. Pakiramdaman ang sarili. Kapag bigat na bigat ka na sa iyong tiyan habang nakatayo, signal iyon na tapusin mo na ang paglapang.

 

ANG

HABANG

ITO

KAPAG

KUKUNEKTA

MGA

NAGKAKAROON

NAKAUPO

PAANO

STRONG

TIYAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with