^

Para Malibang

Marunong ka na bang humawak ng pera?

Pang-masa

Kung  iniisip mo na ma­runong ka nang humawak ng pera, tanungin ang iyong sarili kung ‘gaano kalaki ang nagastos ko noong nakaraang buwan? Ano ang pinagkagastusan ko?’ Kung hindi mo ito matandaan at  kung hindi mo pa naiirekord, sign ito ng hindi ka pa marunong magkontrol ng pera, bagkus ikaw pa rin ang kinokontrol nito.

Kahit sa loob lamang ng isang buwan, irekord kung magkano ang perang hawak mo at kung kailan mo ito natanggap. Isulat kung anu-ano ang mga pinamili mo at kung magkano ang mga ito. Sa katapusan ng buwan, kuwentahin kung magkano lahat ang natanggap mo at ang nagastos mo.

Kung magkano ang badyet mo para sa iyong mga gastusin; gawin mong basehan ang mga inirekord mo tulad ng kung magkano talaga ang aktuwal na nagagastos mo.   Irekord din ang mga gastusing wala sa plano.

Malalaman mo kung malaki ang ginagastos mo kaysa sa iyong badyet at saka mo baguhin ang iyong kinagawian pagdating sa paggasta ng iyong pera at matutong magtipid. Bayaran ang iyong mga utang. Maging matalino sa paggastos.

Malaking tulong ang pera at mahalagang bahagi ito ng buhay ng maraming tao, ang pagtanggap ng kita at pagbabadyet ng pera. Pero ang  laging tanong marunong na ba akong humawak ng pera o ako pa rin ang kinokontrol nito?

ACIRC

ANG

ANO

BAYARAN

IREKORD

ISULAT

IYONG

KAHIT

KUNG

MALAKING

MALALAMAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with