Homemade cough syrup
Kailangan: 4 Kutsara pure honey; 6 pirasong cloves/clavo de comer; isang piraso medium size cinnamon stick, pirasuhin ng maliliit. Nabibili ang 3 ingredients sa SM supermarket.
Paraan: Isangag ang cloves at cinnamon sa loob ng 3 minuto o hanggang sa sumasabog na ang kanilang amoy. Palamigin. Dikdikin sa almires hanggang maging pino.
Ihalong mabuti sa honey ang dinikdik na cloves at cinnamon.
Kumain ng 3 kutsara bago matulog. Ang homemade syrup ay puwede sa dry cough o pangkaraniwang ubo.
Paano nakatulong ang honey, cloves at cinnamon? Ang honey ay may antibacterial at antiviral pro-perties na kailangan para gumaling ang ubo at masakit na lalamunan. Ang cloves ay may kakayahang tanggalin ang nangangating lalamunan. Nagtatanggal din ito ng sakit ng lalamunan. Ito ang ginagamit na ingredient sa paggawa ng toothache d rops. Ang cinnamon naman ay nagpapainit ng katawan na mainam sa pakiramdam na nanlalamig. May antibiotic property ito na nagtatanggal ng pamamaga ng lalamunan.
- Latest