Alam nyo ba?
Ang bansang Pilipinas ay mula sa Felipinas, na unang ipinangalan ni Ruy Lopez de Villalobos sa bansa sa karanganlan ni Prinsipe Felipe na naging Haring Felipe II ng Espanya. Sa pamamagitan ng Presidential Decree 940 na ipinalabas noong ika-24 ng Hunyo, 1976, ang Maynila ang kabisera ng bansa. Ang Pilipinas ay tila tatsulok ang hugis na matatagpuan sa pagitan ng Taiwan (sa Hilaga) at Borneo (sa Timog). Napapalibutan ito ng malalaking bahagi ng katubigan: ang Dagat-Celebes sa Timog, at Dagat Tsina sa Kanluran. May 300,000 kilometro kuwadrado ang laki nito na halos kasinlaki ng Italya at dalawang beses ang kalakihan sa Gresya. May 7,100 pulo ang bansa ngunit 2,773 lamang ang may pangalan. Ang malalaking pulo ay ang Luson, Mindanao at Samar, Leyte, Negros, Palawan, Panay, Mindoro, Cebu at Bohol.
- Latest