Stress nagpapawala ng gana sa sex
Hindi maiiwasang maaapektuhan ang sex life kapag nai-stress ang isang tao.
Ayon sa psychologytoday.com shina-shutdown ng ating katawan ang ating sex mechanism kapag tayo ay nai-stress para mas mabigyan ng pansin ang mga bagay na dapat unahin.
Ang tawag sa pagbabagong ito ay stress-shift sa hormone production.
Ito ay nakatutulong sa ating pagtugon sa mga mabibigat na problema o sitwasyon. Nagpo-pokus kasi tayo ng hormone production para sa survival imbes na procreation.
Kapag nag-i-stress shift sa hormones, bumababa ang sex drive at siyempre, nakakaapekto na ito sa ovulation, sperm count, at fertility.
Kung tayo ay nai-stress at ramdam na natin na naaapektuhan na ang ating sex life, kailangang ma-manage ang stress.
Kapag binalewala ang problemang ito, mas lalala ang problema dahil magdudulot ito ng galit, emotional disorders, depression, sakit at ‘di malayung-malayo ang loob ninyo sa isa’t isa ng iyong partner.
May suhestiyon ang psychologytoday.com para maikondisyon uli ang ating utak at malabanan ang stress bago mawalan ng kontrol na tatalakayin natin sa susunod na kolum.
- Latest