Island of the undead (61)
MAGING si Doktor Larry ay hindi makapaniwala sa resulta ng operasyon niya sa bangkay ni Joanne, his lovely wife na pinakamamahal niya.
“G-gumagalaw ka na, Joanne...n-nabubuhay ka na!”
Inspiradung-inspirado ang duktor-siruhano. Pakiramdam ay nakalikha ng modernong himala!
Mali pala si Nora Aunor, merong himala!
“Before we know it, Joanne, ikaw ay makakagalaw na nang normal—magsasalita, kakain, ngingiti, hahalakhak...”
Lalo namang nalito sa nangyayari sina Miley at Blizzard.
Laluna ang dalagang napakabait, na just a while ago ay binusisi ng duktor ang buong pagkababae!
“Ano ba talaga ang role ko sa ginagawa mong pagbuhay sa misis mo, Doctor Larry?”
“Correction, Miley, buhay na si Joanne ko!
“I did the Impossible! I’m the greatest doctor of this generation!” Tila sinakop na ng yabang ang dating humble na manggagamot.
Napalunok si Miley. Hindi ba alam ni Duktor Larry na isa sa seven deadly sins ang kayabangan?
At siya raw ba ay hindi namangha na ito’y nakabuhay ng malamig nang bangkay?
Gusto niyang sabihin sa mukha ng duktor-- na ang mismong pagkapadpad nilang lahat sa Island of the Undead ay higit pa sa malupit na milagro!
Binago nito ang normal nilang mga buhay sa kabihasnan! Bigla ay nawala sila sa sarili nilang daigdig!
Siya pa naman ay Maid of Honor sa kasal ng best friend niya sa darating na Linggo!
Sa halip pala na Maid of Honor, siya ay ituturing ng lahat bilang isang Maid of Dishonor!
“Nakuha ko na ang mga saktong sukat ng buong pagkababae mo, Miley,” biglang sabi ni Doc Larry.
“Kami ng aking si Joanne ay maiiwan muna dito sa Undead Island. Tatapusin ko pa ang dapat isagawa sa reyna ng mga super-pangit. (Itutuloy)
- Latest