Sexcercise nakakapawi ng stress
Nai-stress ka ba?
Makatutulong dito ang pakikipag-sex.
Ang sex ay stress reliever.
Sa pakikipag-sex, nare-release ang endorphins at iba pang hormones na nagpapataas ng mood.
Ang exercise ay isa ring stress-reliever.
Hindi ba’t ang sex ay isa ring form ng exercise.
Ang problema, kapag nai-stress ang isang tao, mahirap itong ‘ganahan’ sa sex at maaaring hindi makapag-perform sexually.
Kapag nai-stress ang mga lalaki, naaapektuhan ang mga hormones. Pinipigilan ng Endorphins ang pagre-release ng LHRH (luteinizing hormone releasing hormone) na kapag bumababa ay nagiging dahilan din ng pagbagsak ng LH (luteinizing hormone), ang hormone na importante sa produksiyon ng testosterone.
Naaapektuhan din ang FSH na nag-istimulate ng sperm formation sanhi ng pagbaba nito.
Dagdag pa rito, ang naaapektuhan ng cortisol, ang response ng testes sa LH.
Malaking factor sa mga bagay na ito ang utak.
Kailangang maikondisyon ang utak para hindi magkaroon ng mga ganitong problema.
Itutuloy
(Source: psychologytoday.com)
- Latest