Tsokolate, pambayad ng buwis!
Aminado ako na isa akong “chocohilic, mahilig at adik sa tsokolate. At dahil hindi pa ako maka-get over sa M&M’s mint dark cholate na nakain ko, heto at tsokolate ang gawin nating topic.
Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa simpleng treat na ‘to? Ayon sa isang datos, ang bansang Switzerland, na siyang pinagmulan ng chocolate giants na Nestlé at Lindt, ang nananatiling top chocolate consuming country kung saan ang average person ay kumakain ng 9 kg kada taon. Ito’y katumbas ng 209 regular sized (43 g) na chocolate bars. Grabe, ang sarap tumira sa Switzerland ‘no?
Pero hindi alam ng lahat na mula sa cacao ang tsokolate. Magbalik-tanaw tayo sa pinagmulan ng chocolate. Sa pag-aaral ng mga archeologist, isa sa mga pinahahalagahan noong panahon ng ancient Mayan civilization ang tsokolate. Noong 1976, sa isang paghuhukay sa El Salvador ay nakadiskubre sila ng ancient Maya village. Kabilang sa mga natagpuan dito ay mga banga na puno ng buto ng cacao. Nadiskubre rin nila na sa sobrang pagpapahalaga ng sinaunang Mayan civilization, sa kanilang mga bakuran pa nila itinatanim ang mga puno ng cacao. Marami ring artifacts ang natagpuan kung saan may mga larawan ng mga tao na nag-i-enjoy at ibinubuhos ang tsokolate. Wow lang, naliligo sila sa tsokolate? Eeeeeek, ang saya-saya ‘di ba?!
Noong mga panahon ding ‘yun sa central Mexico na kinatitirikan ng Aztec empire, hindi naman sila makapagtanim ng puno ng cacao dahil sa tuyong lupain. Kaya nakipag-barter (trade) sila sa mga Mayan para magkaroon ng tuluy-tuloy na supply ng isa sa mga mahahalagang bagay noong panahong iyon na katumbas din ng pera.
At dahil sa kahalagahan ng cacao seeds, ginawa itong buwis (tax) ng mga namumunong Aztec sa kanilang mamamayan at ibang tribong nasasakupan.
Nakabibilib ang mga sinaunang tao ‘no? Pero sa mga chocohilic dyan, papayag ba kayong ipambayad ng buwis ang tsokolate? Hay naku kung ako ‘yun, itatago ko at ibang bagay na lang ang ipambabayad ko. Ha ha ha. Burp!
References: www.infoplease.com, www.fieldmuseum.org
- Latest