Remedyo sa masakit na paa
Maraming babae ang gusto palaging nagsusuot ng mataas na takong ng sapatos, kaya lang ang iba ay napipigilan dahil na rin sa masakit na dulot nito matapos ang mahabang oras na suot mo ang iyong high heeled shoes.
Narito ang ilang paraan kung paano mo mabibigyan ng magandang pakiramdam ang iyong mga paa matapos ang pagsusuot mo ng ganitong uri
ng sapatos:
Ice pack - Ang paglalagay ng ice pack sa iyong mga paa ay napakalaki ng idinudulot na ginhawa. Tila na-magic ang iyong mga paa sa oras na malagyan mo nito at presto! Ready na uli ito para sa susunod na araw
ng pagsusuot ng sapatos na may takong. Pero, kung tumitindi ang pagsakit ng iyong mga paa hindi ice pack ang kailangan mo, mas mabuting magpatingin pa rin sa doctor.
Maligamgam na tubig - Kung natatakot ka naman na magkaroon ng sangkaterbang ugat ang iyong mga paa o ‘di kaya ay mapasma ito dahil sa
malamig na yelo, subukan mo naman na ibabad ang iyong mga paa sa maligamgam na tubig o ‘di kaya ay ‘yun tubig na kaya mong tiisin ang init nito sa loob ng 15-minuto. Hindi lang mare-relax ang iyong mga paa kundi makatutulong din ito kung nagkakaroon ka ng mga bitak-bitak sa mga paa. Maaalis pa ang mabahong amoy nito. Mas epektibo ito kung hahaluan ng kaunting asin.
Moisturizer - Matapos ang paglalagay ng mga nabanggit sa itaas, pahiran ng moisturizer ang iyong mga paa upang maalis ang mga dead skin nito at maging makinis. Minsan kasi, ang dead skin ang nagiging sanhi kaya sumasakit ang iyong paa.
- Latest