Anong kulay ang bagay sa iyong personalidad?
Ang “power” at “confidence” ng isang tao ay hindi lang nakikita sa body language, kundi naipararamdam mo rin ito kung anong ang iyong isinusuot at kulay nito.
Sinasabing ang pinaka-powerful colors sa lahat ay ang red at black.
Madalas isinusuot ng mga politicians, personalidad, o sa office work ang mga kulay itim at pula na karaniwang naka-black suit na may red ties, sapagkat ang dalawang kulay ngang nabanggit ay mga powerful colors.
Ang kulay itim ay naghahatid ng mensahe ng power o kapangyarihan, elegant, mystery, at pagiging seryoso.
Kung gusto mo namang magmukhang payat o sexy, magsuot ng kulay itim dahil nakababawas ito ng timbang sa paningin. Kung may formal event na pupuntahan, ang typical black suit o dress din ang isuot. At kung gusto mong seryosohin ka ng iyong kausap, magsuot ng kulay itim na may blend ng green o blue color.
Samantalang ang red color naman ay naghahatid ng pagiging aggresibo, passionate, at violence na talagang malakas ang mensaheng dating ng kulay. Kulay pula rin ang ginagamit ng mga nagrerebeldeng grupo o indibiduwal. Kapag usaping puso naman, ang kulay red din ang kanilang isinisimbolo.
Sa ibang okasyon marami rin tayong makikita na nakasuot ng damit na kulay asul, tulad ng blue ties sa kalalakihan. Ang blue color ay hindi lang kalmado ang effect ang dating nito, kundi ang blue color na ibig sabihin ay color of wisdom, loyalty, at honesty. Kaya kung gusto mong magmukha kang intelehente o matalino, magsuot ka ng asul na damit. At kung may tensiyon sa inyong trabaho, ang kulay asul ang pangkontra sa pressure o madrama mong paligid.
Type mo ba ang green o berdeng kulay? Ang green ay naghahatid naman ng freshness, safety, at harmony. Madalas itong i-connect sa “pera” at “go” signal tulad sa traffic light, na may good vibes na epekto na magandang katangian ng green color lalo na sa inyong workplace. Ang green color ay malamig din sa mata, kaya isang paraan na pangpa-relax ng iyong mga mata lalo na kung ang trabaho ay maghapong nakatutok sa computer o TV screen dahil din sa mahabang oras ng panonood, tumingin sandali sa mga green color na bagay lalo na sa mga kulay berdeng dahon na may rest effect sa ating paningin.
Best color din ang brown kung papasok ka sa opisina na hindi lang masculine ang effect, kundi nagpapahayag ito ng “color of stability”.
Kaya kung ikaw nagtatrabaho na puro lalaki ang iyong kasama, magsuot ng chocolate brown na damit, para maiparating mo rin ang iyong kredibilidad kahit ikaw ay isang babae.
Itinuturing namang “worst color” ang yellow o dilaw na kulay kapag isinuot ito sa iyong office work. Kahit sabihin pang ang dilaw ang pinakamasayang kulay sa lahat. Ang yellow color ay nagpapagising o nagbibigay ng katuwaan o ligaya. Pero sinasabi rin itong “unstable color” dahil sa sobrang energy ang pinupukaw nito sa iyong opisina, na sa sobrang lakas ng kulay ay nagiging mukhang “weak” o mahina pa rin ang dating ng nagsusuot.
Kung nahihirapan ka pang mag-isip kung anong kulay ng isusuot mo, marami pang pagpipilian ng colors na angkop sa inyong personalidad na may malaking epekto sa iyong trabaho at career. (science of people.com/tedweekends@huf?ngtonpost.com)
- Latest