Ang mabuhay ng walang supling
Maraming dahilan kung bakit hindi nagkakaroon ng anak ang mag-asawa. Maaaring wala kasi silang panahon at “desire” na gawin ito o ‘di kaya ay talagang may diperensiya sila kapwa o ang isa sa kanila. Anuman ang maging dahilan normal na magkaroon ng negatibong emosyon ang mag-asawang nakararanas nito. Pero, kung ganito ang inyong sitwasyon, kailangan ninyo itong tanggapin. Narito ang ilang paraan para mas maging magaan sa’yo ang pagtanggap ng ganitong uri ng katotohanan:
Ipahayag ang iyong damdamin – Tanggapin anuman ang iyong nararamdaman gaano man ito katotoo at kasakit. Maaari mo itong daanin sa pag-iyak, pagsigaw, pagsusulat, pagsasalita, o anumang uri ng ekspresiyon. Ang mahalaga ay nailabas mo ito para na rin sa ikagagaan ng iyong kalooban.
Tanggapin ang katotohanan – Mahalagang tanggapin mo ang realidad ng buhay at ang sirkumstansiya nito. Kung alam mo sa iyong sarili na hindi ka na maaaring magkaroon ng anak, dapat mo itong tanggapin para ikaw ay makapag-move-on sa iyong buhay. Kasama sa pagtanggap ay ang pagtingin sa mga bagay na puwede mo pang gawin para mapaunlad ang iyong pagkatao o buhay. Tingnan mo na ang iyong hinaharap na wala kang makakasamang anak, kaya dapat ngayon pa lang ay mayroon ka ng plano para rito at anumang plano ito, tiyakin mong ito ay sa iyong ikabubuti at maging masaya ka rito. Alisin mo na rin ang mga bagay na makakapagpaalala sa iyong “frustration” ng hindi pagkakaroon ng anak. Puwede mong itapon, ipamigay, o itago ang mga bagay na ginagamit ng mga sanggol o bata.
Panatilihin ang magandang kalusugan – Ang hindi pagkakaroon ng anak ay hindi rin naman katapusan ng mundo para sa inyong mag-asawa, kaya nararapat lang na mamuhay ng normal at magkaroon ng magandang kalusugan.
- Latest