Isda na makatutulong sa sex life ni Ate
May mga pagkaing good for the health pero ang hindi natin alam ay nakatutulong din for our sexual health. Tinalakay na natin ang mga pagkaing makatutulong sa inyong sexual health tulad ng berdeng gulay, unsweetened tea, itlog, red wine, red meat (baka), at mga nuts.
Narito ang iba pang pagkain na nakatutulong sa sexual health.
Fatty Fish - Salmon, mackerel, o alumahan, sardinas, tuna.
Madalas nating ulamin ang mga isdang ito.
Ang mga isdang ito na makatas ang taba ay good for the heart pero dapat ninyong malaman na nakatutulong din ang mga isdang ito sa ating sex life.
Ang omega-3 fatty acids DHA at EPA na mayroon ang mga isda ay tumutulong para tumaas ang dopamine levels sa ating brain na nagiging sanhi ng arousal, ayon sa sexologist na si Yvonne K. Fulbright, PhD.
Ang mga isda ay mayroon ding anti-inflammatory properties na pangontra sa blood clots at heart arrhythmias, nakatutulong sa mas maayos na brain function at proteksiyon laban sa dementia.
Base sa mga pag-aaral, nababawasan rin ng omega-3s ang sintomas ng depression. Base sa research sa University of Pittsburgh nakitang ang mga taong may mataas na omega-3 blood levels ay mas masaya at mas magkumbinsi.
Ang isda ay mayaman din sa amino acid L-arginine, na nag-i-stimulate ng release ng growth hormone at iba pang substances na nako-convert sa nitric oxide sa katawan.
Para sa inyong kaalaman, ang nitric oxide ay kritikal para sa erection at nakatutulong sa sexual function ng mga babae. Nakatutulong din ito para mas bumuka ang mga blood vessels para sa mas maayos na blood flow.
(source: menshealth.com
- Latest