Wedding guest list: Paano babawasan?
Magkano ba ang inyong budget? Ito ang unang iisipin para malinaw kung ilang bisita ang kaya ninyong pakainin.
Ilista ang pangalan ng mga taong binabalak ninyong imbitahan. I-grupo sila sa tatlong kategorya: A. Family B. Close friend at extended family kagaya ng second cousins C. Kaklase, kaopisina
Sa group C kayo unang magbawas ng pangalan. Isunod ang group B at pinakahuli ang group A.
Ang unang tanggalin sa listahan ay mga taong hindi mo nakakausap o nakikita nang personal ng isang taon o higit pa. Hindi kasali ‘yung communication sa Facebook.
Bawal ang bata. Malaki ang matitipid kung gagawin ang wedding na adult-only affair.
Huwag isama sa imbitasyon ang girlfriend or boyfriend ng iyong guests lalo na kung hindi pa naman sila engaged.
Huwag nang mag-imbita ng officemates kung hindi ka naman super close sa kanila. Puwera lang kung kukunin mong ninang or ninong ang iyong boss.
Mag-stick sa rules at huwag ma-guilty na si ganito at ganoon ay baka magtampo kapag hindi naimbitahan. Mas masakit kung manganganak na si Misis ay hindi pa tapos bayaran ang inutang na panggastos sa kasalan.
Source: www.shefinds.com
- Latest