^

Para Malibang

‘Di malimutan ang ex

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

I’m 26 years old, pero takot nang umibig muli mula ng mapikot ang dating bf ko. May plano na kaming pakasal pero nalaman kong may itinanan siyang ibang babae. Ang masakit, wala naman kaming pinag-awayan. Magkasama pa nga kami bago nangyari iyon. Ang paliwanag niya, hindi raw niya gusto yung nangyari at huli na ng mahimasmasan siya. Dalawang taon na ang nakalipas, pero dala ko pa rin ang hinanakit at panghihinayang. Pero sabi ko sa kanya pinatawad ko na siya kahit nagdurugo pa rin ang puso ko. Sa ngayon, may bf ako na sinagot ko sa pag-aakalang malilimutan ko ang ex-bf ko. Pero nagi-guilty ako. I kept comparing him with my ex. Siguro dahil nawalan na ako ng tiwala sa mga lalaki. Gusto ko sanang i-break na siya pero paano ang gagawin ko? Mahal niya ako. Payuhan mo ako. - Sahra

Dear Sahra,

Nasaktan ka at ito ang dahilan kung bakit takot ka nang umibig ng todo. Sinagot mo ang isang manliligaw para malimutan mo ang lalaking umiwan sa’yo. Unfair ito sa bf mo ngayon. Ang kasalanan ng una mong bf ay hindi dapat na pasanin ng bf mo ngayon. Hindi naman lahat ng ng lalaki ay pare-pareho. Kung talagang mahal ka ng una mong bf, hindi siya papipikot sa iba. Limutin mo na siya at huwag gayahin ang ginawa niya sa iyo para makaganti. Minsan, kung sino pa ang hindi mo masyadong mahal, ay doon ka tunay na liligaya dahil gagawin niya ang lahat para mapaligaya ka at maging matagumpay ang inyong pagsasama. Huwag mong panghinayangan ang nawalang pag-ibig. Nawala siya dahil hindi niya alam pahalagahan ang pagmamahal mo. 

Sumasaiyo,

Vanezza

ANG

DALAWANG

DEAR SAHRA

DEAR VANEZZA

HINDI

HUWAG

LIMUTIN

MAGKASAMA

MINSAN

NASAKTAN

PERO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with