Panlaban sa pagkabalisa
Kapag nkakaengkuwentro ka ng tensiyon at hindi ka komportable sa anumang sitwasyon na iyong kinalalagyan, madali kang nakararamdam ng pananakit ng iyong tiyan, mabilis na pagtibok ng iyong puso, at minsan pa nga ay panginginig ng buong katawan. Bagama’t hindi maganda sa pakiramdam, pero may pagkakataon na nakatutulong ang “anxiety” o pagkabalisa dahil natutulungan ka nitong makaiwas sa panganib at mailigtas ang iyong buhay. Kaya lang ang anxiety ay maaaring umatake sa pang-araw-araw na buhay dahil sa stress at maging seryosong sakit.
Ayon sa American Medical Association, sa 40 milyong tao sa Amerika ang dumaranas ng abnormal na pagkabalisa. Kaya dapat makontrol mo ang iyong anxiety sa mas maagang panahon. Narito ang ilang paraan upang makontrol mo ito:
Kontrolin – Mayroong tamang panahon at lugar sa lahat ng bagay. Kung nakararamdam ka ng nerbiyos sa anumang gagawin mo gaya ng presentation, meeting, job interview, o anumang gawain na naghihintay ka ng oras, mas mabuting ituon mo muna ang iyong isip sa ibang bagay kaysa laging isipin ang mga gagawin mo na nagbibigay sa iyon ng stress.Huminga ng malalim–Kapag nararamdaman mong nababalisa ka na, humiga sa sahig o kama, ilagay ang isang kamay sa iyong dibdib at ang isa ay sa tapat ng tiyan. Huminga ng paunti-unti at panoorin ang dahan-dahang pagtaas ng iyong tiyan. Pigilin ang iyong paghinga ng isa o dalawang Segundo at saka ilabas ang hangin sa iyong bibig o ilong. Ulitin ito hangga’t kinakailangan.
Magtulog ng maayos – Ang pagkakaroon ng tamang oras ng tulog ay nakababawas ng fatigue at pagkairita. Kaya kung makararanas ng stress o problema, hindi ka agad matataranta o mababalisa dahil ang utak mo ay alerto at relax.
- Latest