Kung iinom ka ng lemon araw-araw
(Last part)
Ito ay huling bahagi ng paksa kung ano ang magandang maidudulot sa’yo ng regular na pag-inom ng tubig na hinaluan ng hiniwang lemon.
Nakakapagpalakas ng immune system – Madaling labanan ang pagkakaroon ng sipon, uminom ka lang ng vitamin C ay maiiwasan mo ng makapitan ng virus nito. Bukod sa vitamin C ang lemon ay puno rin ng potassium na makakatulong sa utak at ugat na gumalaw ng tama. Nagkokontrol din ng blood pressure ang potassium. Matatagpuan din ang anti-inflammatory properties sa lemon at mahusay itong panlaban sa hika at iba pang respiratory diseases. Madali rin na makakuha ng iron ang katawan sa pamamagitan ng mga bitaminang nakukuha sa lemon. Dahil din dito ay magiging matatag ang immune system ng katawan dahil:
Masusuplayan ng pag-inom ng lemon ng tamang electrolytes ang katawan para mapanatiling may tamang dami ito ng tubig.
Nakakabawas ng pananakit ng muscles.
Mahusay na mag-produce ng enzymes kumpara sa ibang pagkain.
Pinananatili ang tamang blood pressure.
Nagbibigay proteksiyon laban sa cancer.
Nagkokontrol ng tamang timbang.
Nakakatulong para matunawan.
Nagtutunaw ng uric acid sa katawan.
Mabilis na nakakagaling ng sugat sa katawan.
Mahusay na pagsamahin ang tubig at lemon dahil mas nagiging epektibo ito para lumaban sa anumang sakit sa katawan.
- Latest
- Trending