Sandaang mumunting halimaw (50)
HIYANG-HIYA ang corrupt politician na napaihi sa pants, buong akala ay kukunin na siya ni Lord. Pero taimtim sa puso ang pangako niya na magbabago na.
“Magpapanukala po agad ako ng makabuluhang mga batas, Lord! Maraming-maraming salamat po na hindi N’yo muna ako kinuha!
‘Kung nagkataon po’y diretso ako sa impiyerno! Wala nang chance na mahango sa dagat-dagatang apoy!”
Humirit pa ang corrupt. “Sakali po ba, Lord, puwedeng sa purgatoryo n’yo muna ako idestino? Para po meron akong pag-asang mahango at makatuloy na sa Inyong paraiso?”
Ang kapal ng mukha ng politician na ito, na by profession ay isa ring abugado. Hind pala nito alam na sa Langit, pinakakokonti ang populasyon ng mga pulitiko at abugado?
SAMANTALA’Y meron nang nabuong plano ang tatlong nalalabing higanteng gorilya. Itinapon nila sa Ilog-Pasig ang patay na kasama.
Kaylakas ng impact nito sa tubig. Muntik nang mahagip ang Palasyo ng Malakanyang. Nabulabog ang staff ng Pangulo.
Lumusong sa ilog ang nalalabing tatlong higante, kay-iingay ng usapan nina BURURURUT-TANGANGOY-LANBURURUUT.
Inilangoy nila ang patay na kasama, patungo sa mas malawak na Manila Bay.
Ang mga barges na nadaanan nila sa Ilog-Pasig ay walang pakundangang ipinagtataob ng tatlong gorilyang higante.
ISPLAKK. TSARANGGKK.
Sabihin pa’y nakatutok sa nagaganap ang international media. Paksa na naman ng usapan ang kababalaghang nagaganap sa ‘Pinas.
HINDI nagtagal, narating na ng mga higanteng gorilya ang Manila Bay. Buong lakas na ihinagis nila sa laot ang patay na kasama.
Tatlong mangingisdang nasa bangka ang nahagip ng paa ng bangkay na higante. Patay agad ang mga ito.
Pero meron pang milagro mula sa Langit. Siguro’y sinadya na ng Dakilang Lumikha na merong submarinong nasa bukana ng Manila Bay.
Mabilis itong nakalapit sa tatlong higanteng gorilyang nasa laot na. Ang plano ng tatlong malalaking halimaw ay ipagtataob ang mga barko sa dagat.
Dadakmain nila ang mga barko, kakainin ang mga taong lulan!
Pero nasa kanilang paanan na, sa ilalim ng dagat, ang nuclear submarine. Handang-handa nang paputukan ang mga kaaway ng katahimikan.
TSUG. TSUG.
Dalawang missile ang pinawalan ng submarino.
Sumapol iyon sa maselang bahagi ng dalawang lalakeng gorilya. Sumabog ang kabahagi ng mga ito, kasali na ang kambal na itlog.
Hindi na nagkikisay ang dalawang higante, namatay agad!
Nagbunyi ang mga nasa barko, abut-abot ang pasasalamat sa Diyos. Isa na lamang ang nalabing higanteng gorilya, takang-taka sa nangyari.
Hindi nito maintidihan kung bakit sabay na namatay aag dalawa pang kasama.
Sa di-kalayuan, lumutang sa tubig ang submarino.
Masama ang tingin dito ng nalalabing higanteng gorilya ni Shirya. (ITUTULOY)
- Latest